Pagpasok pa lang ng bahay galing sa paaralan agad na akong nagtaka. Halos isumpa ko na kasi ang paaralang ito dahil na rin sa hirap na pinaparanas nito sa akin. Nagsasawa na kasi ako sa dami ng pinapagawa at sa taas ng inaasahan ng paaralang ito sa akin. Ah oo nga pala. Bakit ako nagtataka? Nagaaral kasi kapatid ko para sa entrance exam.

Dalawang taon at kalahati na nga akong nagaaral sa paaralang ito at alam kong nakikita niya rin kung gaano ako naghihirap pero kitang kita pa rin na gusto niya talaga pumasa. Ilang beses ko na rin siyang tinanong kung seryoso ba siya sa ginagawa niya at aminado akong tinatakot ko na siya ngaun pa lamang. Pero mas matalino naman ata kaysa saakin un kaya ok lang.

Kahit naghihirap na ako sa paaralan na to, nagiging masaya pa rin naman ang aking pananatili rito. Ah. Bahala na siya. Tatawa na lang ako. :D
Kung sakali

2 Comments:

Anonymous said...

Astig naman

Anonymous said...

hahahhaah.. walang magawa... XD