Status message. Para saan nga ba ito? Ako ay naaaliw sa dami ng peding gamit nito. Maari itong maging bahagi ng isang kanta, sinabi ng iba o di kaya naman kalabuan na gustong ipakita sa lahat. Pedeng maging korning joke o malungkot na salitain. Pede ring itong gamitin para pampaalala ng mga takdang gawain sa mga kaklase o di kaya naman ay ipakita sa iba kung gaano na karami ang iyong nagagawa para sa iyong mga kailangan sa mga asignatura. Pede rin naman itong gamitin bilang pagpaparinig o bilang pampatama sa iyong kagalit o di naman kaya ang iyong iniibig. Nauuso na rin ngaun na kahi anung simbolo na lang ang inilalagay at ang halimbawa nito ay ang mga smiley o taltong tuldok. Lahat ng ito ay pedeng samahan ng busy icon kung ayaw mo magpaabala o di kaya naman wala ka sa harap ng iyong computer.
Pero para saan nga ba talaga ang status message? Tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ito ay para ipakita ang estado ng isang tao. Kaya siguro ginawa ko ang post na ito dahil nakakatawang tignan pag hindi lang basta kalagayan ng gumagamit ang nakalagay sa kanyang status message. Kasama na rin ang aking sarili rito.

2 Comments:
Rock oN
Ang lalim ng blog mo...
Post a Comment