Pandora’s Box
Ni Nathaniel Cachero ng III – Magnesium

Nag umpisa nang pinapasok
Sa iyong buhay at ating inipon
Lahat ng sikreto tila mga barya
At hinulog sa ating alkansya

Bawat gabi ay naghuhulog
Ng mga tawa at luha
Mga kwento at mga sikreto
Mga problema at pasakit
Lahat ay inipon, walang nasayang

At ngayong napuno na
Di naman sa di na pwedeng dagdagan
Pero napagpasyahan na takluban
Tayo lang ang makakabukas
Upang dagdagan o pakawalan

Nagpatuloy na dagdagan
Ngunit pag nagaway ay nabawasan
Mabuksan lang onti
Marami ang lalabas
Di na maibabalik
At napakahirap takluban

At ngayon pinakawalan mo ang lahat
Binuksan at kinalimutan
Tinapon at sinayang
Lahat ng pinaghirapan
Lumipad na lang sa kawalan

Labis na napilay
Naiwan sa akin ang kahon
Walang laman at lahat ay lumisan
Ang pagkalimot sa iyo
Ay parang pagalala
Sa isang taong di ko kilala

Sa lahat ng matitira
Dito sa aking alkansya
Iniwan mo sa akin, sana hindi na
Pagasa ang natira

0 Comments: