Unlimited Texting
Ni Nathaniel Cachero ng III – Magnesium

Upang sa pera’y higit na makamura,
Naalala ang promong ‘to at kinuha
Tinype ang U-N-L-I-T-X-T-20 (yu.en.el.ay.ti.ex.ti.twen.ty)
At sinend sa numerong 2-8-70 (two.eight.se.ven.ty)

Sa pagkakataong ito’y nagumpisa,
Nang isang kaibigan ay nangamusta.
Gawing alas syiete ng gabi’y nakamit
Ang hudyat na promo’y pwede nang gamitin

Lahat ay ‘king ginagawa nang masulit,
Ang benteng nagastos ay mukang maliit
‘pag napakarami ang aking nakulit.
Pero sana naman ay walang magalit.

Jokes at quotes, lahat ay ‘king pinapadala
Halos sa lahat ako’y nangangamusta
Sayang lang di nakakausap ang lahat
Dahil di pwedeng gamitin sa Smart at Sun

Dahil sa kaibigan kaya kinuha
Para mag-usap hangang kami’y magsawa
Text lang ng text dahil ‘lang inaalala
Kung makatulog lang ang iyong problema

Basta may kaibigan kang kakwentuhan
Tiyak wala ka nang ibang kailangan
Dahil dito ikaw ay mas nakilala
Yun pa lang sulit na ang benteng nawala

Kaya kung ngayon ikaw ay nagtitipid
O di kaya naman ay walang magawa
I-type ang U-N-L-I-T-X-T-20
At I-send sa numerong 2-8-70

2 Comments:

Anonymous said...

katakot blog mo..daming secrets.. :P

Anonymous said...

sinu c secret xd? :(