Tula
Ni Nathaniel Cachero ng III – Magnesium

Hating gabi na nang aking maalala
Kailangan ko pang gumawa ng tula
Sa ibang bagay kasi ako’y nadala
Pagawa ng tula sa isipan nawala

Sa lahat ng ayoko ay mga tugma
Ngunit maganda naman ata pag tama
Lahat ay sobrang gamit na, lahat luma
Lahat ng tugma kasing tanda ng pluma

Kailanganrin pala nito ng sukat
Bilang ng pantig pareho sa lahat
Pinakamadaling gawin ang pamagat
Kahit ano na ata pwede isulat

Ano kaya ang nakakatuwang paksa?
Yung tiyak napapatok sa iyong panlasa
Yung madadala ka pag iyong nabasa
Ganitong paksa ang aking ninanasa

Ang iba’y gusto mga tulang malalim
Minsan tungkol sa liwanag at sa dilim
O hindi kaya naman sa takipsilim
Kung ‘emo’, madalas tungkol sa patalim

Maganda kung malalagyan ng kwento
Di na rin mahalaga kung malabo ‘to
Basta may makuhang aral galing dito
O kahit wala basta di ka mabato

‘kaw bahala kung ano ilagay mo dyan
Gusto mo lahat ng ‘yong nararamdaman
Pwede ilagay ang mga karanasan
At baka dahil dyan ika’y matuklasan

Kapag nabasa ang tula mo ninuman
Tiyak maghahanap siya ng kalaliman
Kaya wag ka magalala, okay lang yan
Kahit tula mo ay puro kababawan

\m/

0 Comments: