Ah. Ang Nata de Coco. Siguro nakakapagtaka kung bakit ako magsusulat ng post tungkol dito, pero mababaw lang naman ang dahilan. Nasasarapan ko ito tulad ng frozen peaches. Bata pa ako ay nakahiligan ko na ito dahil na rin siguro malapit ito sa aking pangalan. Sorry. Corny. Nabangit ko ito dahil na rin meron kaming isa malaking garapon ng nata at nasa tabi ko ito habang sinusulat ito. Sa maniwala kayo at sa hindi, hangang ngayon kapag may buko o fruit salad, mangangapitbahay pa ako sa platito ng aking mga magulang upang manghunting ng nata. At natatandaan ko pa dati nung batang - bata pa ako ay nagtaka na lang ang mga magulang ko nang makita nila yung fruit salad na buwag - buwag na dahil na rin sa aking paghahanap sa ginto sa ilalim ng lupa. Sana hindi kayo masyadong naweirdohan sa akin dahil dito. Masarap lang talaga ito. I know you like it too. :D

0 Comments: